Monday 5 August 2013

MGA KASUOTAN SA BANSANG KOREA:




Ang Hanbok (sa Timog Korea) o Joseon-ot (sa Hilagang Korea, binabaybay ding Chosŏn-ot) ay ang tradisyunal na damit ng Korea. Binubuo ang pambabaeng hanbok ng naibabalot na chima o palda 
at ng isang tila bolerong jeogori o tsaketa. Binubuo 
naman ang para sa kalalakihan ng maiksing jeogori at 
ng baji o pantalon. Kapwa maaaring patungan ang 
pambabae at panlalaking hanbok ng isang mahabang abrigo, ang durumagi, na may katulad na gupit o yari.  Sa kasalukuyan, isinusuot ng mga Koreano ang hanbok para sa mga araw ng pagdiriwang o kasiyahan at para sa mga seremonyang katulad ng 
kasalan o paglilibing.



No comments:

Post a Comment